80 lumabag ng quarantine sa Butuan, pinagtanim ng gulay

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 02:22 PM

Abala sa pagtatanim ng gulay ang nasa 80 kataong lumabag sa lockdown sa Butuan City. Larawan mula kay Barangay San Vicente Chairman Rauzil Carampatana

BUTUAN, Agusan Del Norte — Inutusan ng mga opisyal ng Barangay San Vicente na magtanim ng gulay ang nasa 80 kataong lumabag sa quarantine na layong pigilin ang pagkalat ng COVID-19. 

Karamihan sa mga violator na nahuli simula noong Abril 8 ay hindi nagsuot ng face mask sa labas ng bahay o sumuway sa quarantine pass color coding, sabi ni Punong Barangay Rauzil Carampatana. 

Kailangan aniyang magbigay ng mga ito ng 7-araw na community service bilang parusa. Magtatanim sila ng gulay ng tig-isang oras sa umaga at hapon. 

Ipamimigay naman sa mga nangangailanan na komunidad ang maaaning kalabasa, pechay, okra, kamatis at iba pang gulay.