2 patay matapos mahulog sa kanal ang sinasakyan nilang truck

ABS-CBN News

Posted at May 03 2020 10:31 PM

CADIZ CITY — Patay ang 2 sakay ng isang trak na dumausdos at nahulog sa kanal sa lungsod na ito sa Negros Occidental nitong Linggo.

Ayon sa Cadiz police, papuntang trabaho ang 7 mangingisdang sakay ng trak bandang alas-7 ng umaga sa Barangay Bangqueruhan.

Bigla na lamang umanong nawalan ng preno ang trak na naging sanhi ng pagkahulog nito sa kanal.

Patay sina Erick Escala at Nicolas Pagonsan sa nangyaring insidente habang sugatan naman ang 5 iba pang sakay.

Ayon kay Police Lt. Col Roberto Mansueto, hepe ng Cadiz police, pitong pulgada lang ang lalim ng kanal pero posibleng nadaganan ang 2 kaya sila nasawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.