Mga kolorum na sasakyan sa Boracay, may 2 linggo para magparehistro

ABS-CBN News

Posted at May 03 2018 12:02 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbigay ng dalawang linggong palugit ang Land Transportation Office (LTO) para iparehistro ang mga kolorum at iba pang ilegal na sasakyan sa isla ng Boracay.

Ayon sa LTO, nasa 4,000 ang bilang ng mga sasakyan sa Boracay ngunit 1,200 sasakyan lamang ang ititira.

Target ng ahensiya na alisin ang lahat ng kolorum sa isla.

"Hopefully, with our extension of our enforcement activity, marami na ang [magiging] legal," sabi ni Roland Ramos, hepe ng LTO-Western Visayas.

Tatanggalin din ang mga sasakyang gumagamit ng diesel at gasoline at papalitan ng mga e-trike at e-jeep sa Setyembre. 

Ipagbabawal na rin sa isla ang mga trak.

"Definitely the trucks will be phased out. Boracay needs no truck," ani Ramos.

[Tiyak na tatanggalin ang mga trak. Hindi kailangan ng trak sa Boracay.]

Samantala, patuloy ang isinasagawang road widening project isla.

Halos kalahating bilyong piso ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa circumferential road.

Saklaw ng proyekto ang pagpapaayos ng mga drainage at sewerage system sa main road upang masolusyonan ang pagbaha.

Noong Abril 26 ay ipinasara ang Boracay para dumaan sa rehabilitasyon.

--Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.