ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Abril 12-15

ABS-CBN News

Posted at Apr 12 2019 03:55 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Abril 12. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Abril 15 sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:

• EDSA New York bago mag-Monte de Piedad (unang lane mula sa bangketa)

NORTHBOUND:

• C-5 Road kaharap ng SM Aura
• EDSA sa gitna ng White Plains – Gate 4 (ikalawang lane)
• EDSA 50m. pagkatapos ng Magallanes MRT to KM 29 (outer lane)

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.