Higit P3-M halaga ng shabu nasamsam sa Olongapo buy-bust; 4 timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 02:49 PM

MAYNILA — Aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 4 drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa Olongapo City nitong Biyernes.

Ayon sa ulat ng Northern Police District (NPD), ikinasa nila ang hulihan pasado alas-11 ng tanghali sa Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City.

Dalawa sa 4 na suspek ay kabilang sa drugs watchlist ng pulisya, sabi ng NPD.

Ang grupo umanong ito ang sinasabing source ng droga ng mga nahuli sa isa pang buy-bust sa Caloocan noong Huwebes, kung saan higit P1 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.