Sunog sumiklab sa warehouse sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2019 07:32 PM

Kuha ng Fire Alert Metro Manila

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa 12th Avenue, Caloocan City nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Caloocan Central Fire Station, itinawag ang sunog bandang alas-5 ng hapon. Patuloy itong inaapula.

Sumiklab din ang sunog sa isang residential area sa Barangay 160 sa lungsod bandang alas-2 ng hapon.

Naapula ito matapos ang isang oras. Walang naiulat na sugatan sa insidente. 

Inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi nito at ang halaga ng natupok na ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.