Kaso ng COVID-19 sa siyudad ng Maynila, umabot na sa 116

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 10:30 PM

MAYNILA - Nadagdagan ng 41 ang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa siyudad ng Maynila.

Sa report ng Manila City Hall, umabot na sa 116 ang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong Abril 1.

Sa nasabing bilang, 10 na ang nakarekober pero may 17 nang pumanaw.

Pinakamaraming residente na nagpositibo ang nakatira sa Sampaloc district na may 35 positive cases, habang 18 naman ang mula sa Tondo, 16 ang mula sa Santa Ana habang 11 naman sa Sta. Cruz.

Umabot na sa 2,311 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

- ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.