DILG Usec. Malaya sumailalim sa self-quarantine

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 12:07 AM

MAYNILA - Sumailalim sa self-quarantine si Interior Undersecretary Jonathan Malaya alinsunod sa protocol ng Department of Health (DOH) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kuwento ni Malaya, sinimulan niya ito noong Sabado bago lumabas na positibo sa COVID-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Ito ay bilang pag-iingat na rin at para sa kaligtasan niya at kaniyang pamilya, aniya.

Kuwento rin niya, huli niyang nakita si Año noong Miyerkoles matapos pumunta sa DZMM. 

Sa ngayon, mabuti ang kaniyang pakiramdam at walang nararamdaman na ano mang sintomas, aniya.

"I’m feeling very well. No symptoms whatsoever," dagdag ni Malaya.