Warehouse ng pagawaan ng mga cupcake sa Antipolo, nasunog

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2019 11:19 PM

MAYNILA - Nasunog ang warehouse ng isang pagawaan ng cupcake sa Sumulong Highway, La Colina Subdivision sa Barangay Mambungan, Antipolo City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Antipolo, sumiklab ang sunog bandang 6:30 ng gabi.

Dagdag pa nila, natagalan sa pag-apula ng apoy dahil pahirapang makapasok ang mga bombero sa masikip na kalsada.

Naapula ang apoy bandang 8:10 ng gabi. Walang naitalang nasugatan o namatay dahil sa sunog.

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.