2 kaso ng COVID-19, naitala sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2020 09:33 PM | Updated as of Mar 31 2020 10:11 PM

Nakapagtala na ang Ilocos Norte ng dalawang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), base sa impormasyon ng isang ospital sa probinsiya.

Sa isang Facebook post, inanunsiyo ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center na mayroong 2 positibong kaso ng COVID-19 sa ospital, base sa resultang inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine.

 

Kasalukuyan isolated ang mga nasabing pasyente at nasa maayos na kondisyon.

Ipinaalam na rin ng ospital sa lokal na pamahalaan ang nasabing mga kaso para sa contact tracing.

Nauna nang nagdeklara ng total lockdown sa lalawigan noong Linggo si Gov. Matthew Marcos Manotoc. - ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News