Sunog sumiklab sa warehouse ng mga plastik na produkto sa Malabon

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2019 10:39 PM | Updated as of Mar 30 2019 11:43 PM

Sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng plastic sa Malabon nitong Sabado ng gabi. Kuha ni Jerickson Miro

MAYNILA (UPDATE) - Sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng mga plastic na produkto sa Mabolo St., Santolan, Malabon nitong Sabado ng gabi.

Naapula ang apoy alas-10:43 ng gabi matapos umabot sa ikatlong alarma.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Sa lakas ng apoy, halos pundasyon na lamang ang natira sa warehouse, bumagsak na rin ang bubungan ng gusali.

Natupok ang isang warehouse sa Malabon at halos pundasyon na lamang ang natira rito. ABS-CBN News

Ayon sa Bureau of Fire Protection, warehouse ng Jet Plastic na pinag-iimbakan ng iba't ibang plastic products ang nasunog.

Patuloy na tinutukoy ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga ari-ariang natupok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.