MMDA: Sevilla Bridge pansamantalang isasara sa weekend

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 04:51 PM

Isasara ngayong weekend sa mga motorista ang Sevilla Bridge sa San Juan City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isasara ang tulay mula alas-10 gabi ng Sabado, Marso 30, hanggang alas-9 umaga ng Linggo, Marso 31. 

Paliwanag ng MMDA na maglilipat sila ng mga barges para sa San Juan River Alignment. 

Kaakibat nito ang binubuong Metro Manila Skyway Stage 3 Project. 

Kinokonekta ng naturang tulay ang mga lungsod ng Mandaluyong at Maynila. 

Inabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong mga ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.