ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Kamaynilaan, Marso 29-Abril 1

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 12:44 PM


MAYNILA - Nagpalabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa ilang mga kalsadang sasailalim sa reblocking at repairs simula Biyernes, Marso 29 hanggang Lunes, Abril 1.

Sisimulan ang pagpapakumpuni mula 11 ng gabi ng Biyernes sa sumusunod na mga kalsada:

SOUTHBOUND:

- C-5 tapat ng Tiendesitas hanggang SM Center Pasig City
- EDSA Ermin Garcia – New York, Quezon City (1st lane mula sa bangketa)
- Katipunan Avenue after C.P. Garcia and J. Escaler (truck lane)

 NORTHBOUND:

- C-5 Road tapat ng SM Aura at Market Market
- EDSA 50 metro pagkalampas ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane)
 
Lahat ng apektadong kalsada ay madaraanan muli alas-5 ng umaga sa Lunes, Abril 1. 

Pinayuhan naman ang mga motorista na iwasan ang mga nasabing lugar at humanap na lamang muna ng alternatibong mga kalsadang daraanan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.