11 tiklo sa pagsusugal sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Mar 27 2019 02:00 AM

MAYNILA - Arestado nitong Martes ang 11 katao sa bayan ng San Jose, Nueva Ecija dahil sa pagsusugal.

Unang nahuli ng mga pulis ang 7 katao sa Sitio Santa Rosa, Barangay Sibut. Kasunod nito, 4 ang nahuli sa Barangay Abar First.

Narekober ang mahjong, baraha, at mahigit P3,000 bet money mula sa mga suspek.

Kakasuhan sila ng paglabag sa Presidential Decree 1602 at posibleng makulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.