Programmer nag-imbento ng sanitizing machine sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2020 03:41 PM

Ginamit ng isang programmer mula sa bayan ng San Leonardo, Nueva Ecija ang kaniyang pagiging malikhain para makatulong sa komunidad.

Para mas mapabilis ang pag-sterilize ng mga residenteng dumadaan sa checkpoint ng Barangay Diversion, naisip ni Jermaine Geronimo na gumawa ng isang improvised sterilization machine.

Katuwang ang ilang kaibigan, pinagkabit-kabit nila ang lumang spray gun, water pump ng aquarium, at galon ng tubig para malikha ang makina.

Ang lokal na pamahalaan naman ang magsu-supply ng disinfectant, ayon kay Geronimo, isang 34 anyos na freelance programmer.

Ayon kay Geronimo, ibabahagi niya ang machine sa ibang barangay at puwede rin gayahin ng iba.

Ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan ay isa mga payo ng mga doktor para maiwasan ang mga virus at bakteryang nagdudulot ng sakit. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.