Grassfire sa SLEX, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 06:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Russell Faelnar

MAYNILA - Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang sumiklab na grassfire sa bahagi ng SLEX Mamplasan Exit northbound nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay FO1 Jessica Baracinas ng Biñan City Fire Station, alas-3:30 naiulat ang grassfire. Naapula ito alas-4:31 ng hapon.

Wala namang nasugatan sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan nito.

Watch more in iWant or TFC.tv
Kuha ni Bayan Patroller Alexa Sumampong

Ayon sa SLEX Command Center, nagdulot ng halos 6 kilometrong haba ng traffic sa SLEX northbound mula Mamplasan hanggang Eton Exit ang grassfire.

Mabagal rin ang usad ng mga sasakyan sa southbound lane ng expressway. Patuloy umano nilang ginagabayan ang mga motorista sa SLEX.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.