ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Kamaynilaan, Marso 22-25

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2019 03:53 PM

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Marso 22. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Marso 25, sa mga sumusunod na kalsada:

SOUTHBOUND:

• C-5 (intersection ng C-5 Road at Julia Vargas Ave.)
• EDSA Lagarian Creek – Ermin Garcia, Quezon City (1st lane mula sa bangketa)
• Katipunan Ave. cor. CP Garcia (Ikalawang lane/truck lane)

NORTHBOUND:

• C-5 Road kaharap ng SM Aura at Market Market
• EDSA 50m, pagkatapos ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane)
• R. Magsaysay Boulevard (patungong Cubao) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.

Samantala, magkakaroon ng restoration o concreting works ang Globe Telecom, Inc sa may Congressional Avenue, sa pagitan ng Jupiter Street at Pangilinan Street sa Quezon City. 

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.