Kulturang Ilonggo, bida sa bagong-bukas na Iloilo Museum of Contemporary Art

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 04:16 PM | Updated as of Jan 30 2020 05:15 PM

Watch more in iWantTFC

Binigyang pugay ang kultura at kabayanihan ng mga Ilonggo sa exhibit sa Iloilo Museum of Contemporary Art.

Tampok dito ang bronze sculpture ni General Martin Delgado na siyang naging overall commander ng revolutionary forces sa Visayas at Mindanao noong 1896 Revolution at Filipino-American War.

Likha ito ni Gines Serran Pagan, isang Kastilang eskultor.
    
"Most of them that I have seen so far, it's very different... very interesting," ani Grant Campbell, turista mula Canada.

Tampok din sa museum ang mga gawa ng ibang Pinoy artist na sina Abdulmari Imao, Ramon Orlina, Daniel de la Cruz, Arturo Luz, at Brenda Fajardo.

Layunin ng bagong museo na mabigyang halaga ang galing ng mga artist sa bansa, at mahikayat ang iba na maipakita sa publiko ang kanilang mga obra maestra.

Nasa 130 na contemporary artworks ang makikita sa museo na bukas sa publiko hanggang sa Linggo.
    
--Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.