Sunog sumiklab sa residential area sa Pateros

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 12:23 PM | Updated as of Mar 20 2019 01:36 PM

MAYNILA (UPDATE) - Isa ang sugatan nang sumiklab ang sunog sa P. Herrera St., Barangay Aguho sa Pateros ngayong Miyerkoles.

Ayon kay Fire Officer 1 Divina Sy ng Pateros Fire Station, umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control ng 10:29 ng umaga.

Sa inisyal na report, may nag-away daw sa isa sa mga bahay bago nagkaroon ng malaking apoy sa lugar. 

Makikita sa mga larawan at mga videong kuha nina Bayan Patroller Armando Mallorca, Jayson de Regla, John Albert Ignacio, at Jonna Lorenzo ang maitim na usok at malaking apoy na tumupok sa isang residential area.

 

Kita naman ang nag-aalab na apoy sa nasusunog na residential area sa kuhang mga larawan at video ni Bayan Patroller Ynel Santos, pasado alas-9 ng umaga. 

 

Inaalam pa ang tunay na pinagmulan ng insidente at halaga ng napinsala sa sunog. 

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.