Call center agent, natagpuang patay sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2019 05:35 AM | Updated as of Mar 12 2019 10:59 PM

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang call center agent sa isang abandonadong bahay sa San Jose del Monte City, Bulacan nitong Lunes ng umaga.

Duguan at wala nang suot na pang-ibaba ang 32 anyos na biktima.

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto naman ng mga pulis ang menor de edad na suspek sa follow-up operation Lunes ng hapon.

Kuwento ng suspek, binisita siya ng biktima Linggo ng gabi at saka niyakap at hinalikan.

Itinulak umano niya ang biktima pero hindi ito tumigil sa paghalik sa kaniya. 

Napilitan umano siyang hatawin sa ulo ang biktima hanggang sa mapatay.

Tumakas ang suspek gamit ang motorsiklo ng biktima. Tinangay rin nito ang cellphone ng biktima.

Nang mahuli ng mga pulis, nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.