P1.2-M halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa Maynila; 2 estudyante, timbog

ABS-CBN News

Posted at Mar 10 2020 05:46 AM

Arestado ang 2 estudyante matapos makuhanan ng P1.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa TM Kalaw St., Ermita, Maynila nitong Martes ng hatinggabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Bernard Pagaduan, itinuro ng una nilang nahuli sa Meycauayan ang dalawang suspek na nakatira sa Pasay. 

Nagpanggap na bibili ng droga ang isang pulis at nakipagkita sa dalawang suspek sa Ermita. Matapos ang bentahan, hinuli agad ang dalawang suspek. 

Estudyante ang dalawang suspek, 21 at 22, at nakuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 200 gramo. 

Dinala ang mga suspek sa Meycauayan Police Station para masampahan ng kaukulang kaso.-Ulat nina Jekki Pascual at Lady Vicencio, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.