Babaeng nagpanggap na doktor, timbog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2019 01:21 PM

MAYNILA- Timbog nitong Biyernes ang isang babaeng nagpanggap na doktor sa lungsod ng Caloocan.

Nagpapakilala bilang isang "Dr. Alicia Secapore De Leon" umano ang suspek ayon kay Restituto Arcangel, hepe ng Caloocan City Police.

Ayon sa pulisya, ang yumaong asawa ng suspek ang tunay na doktor at itinuloy lamang ng suspek ang pagpapatakbo sa klinika nito.

Nakumpirma din ng mga awtoridad sa Professional Regulation Commission na peke ang lisensyang ginagamit ng suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 o Medical Act of 1959.

-ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.