Swedish national tiklo sa 'pananakit' ng kinakasamang Pinay

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 12:38 PM

Inaresto ang isang Swedish national sa Julita, Leyte sa pananakit umano ng kaniyang kinakasamang Pinay. 

Dinampot ng Regional Intelligence Operations Unit ng Bureau of Immigration noong Marso 3 ang 56 anyos na suspek nang ireklamo ng pananakit ng kinakasama. 

Napag-alaman din umano ng BI na expired na ang visa ng banyaga. 

Ayon sa mga pulis, maluha-luhang pumunta ang biktima sa kanilang tanggapan sa pag-asang ma-deport ang kaniyang kinakasama sa ginawang pananakit sa kaniya. 

Mapayapa namang sumama sa mga operatiba ang naarestong suspek. 

Idinala na sa BI Central Office sa Maynila ang suspek, na nahararap sa deportation. 

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.