Warehouse sa GenSan, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2019 02:18 AM

Francis Canlas, ABS-CBN News

GENERAL SANTOS CITY - Nasunog ang isang warehouse ng mga paninda sa Barangay Bula, General Santos City Biyernes ng gabi.

Ayon sa General Santos City Fire Office, sumiklab ang sunog pasado alas-7 ng gabi at mabilis kumalat ang apoy.

Nadamay rin sa sunog ang bahay ng may-ari ng warehouse. Hindi na kumalat ang apoy dahil sa firewall at naapula ito matapos ang 2 oras.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

Batay sa paunang ulat, mahigit P2 milyon ang halaga ng natupok na ari-arian, pero madadagdagan pa ito dahil sa mga nasunog na paninda, gaya ng plasticware at appliances. - Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.