ALAMIN: Mga aayusing kalsada sa Metro Manila, Pebrero 28-Marso 2

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2020 03:35 PM


MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Pebrero 28, Biyernes.

Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga ng Marso 2, Lunes.

Narito ang mga apektadong lugar:

SOUTHBOUND:

  • A. Bonifacio Ave. J. Manuel hanggang Sgt. Rivera St. (3rd lane mula sidewalk)
  • EDSA Guzent hanggang Bansalangin St. (5th lane mula sidewalk)
  • EDSA approach B. ng P. Tuazon flyover hanggang approach A. ng Boni Serrano flyover (3rd lane mula MRT Line)

 
WESTBOUND:

  • General Luis St. SB Road hanggang Samote St.
  • Elliptical Road cor. Maharlika St. (9th lane mula outer sidewalk)

NORTHBOUND:

  •  EDSA QC lagpas Aurora Blvd. hanggang New York St. (3rd lane mula sidewalk)

Nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na maghanap na lang muna ng mga alternatibong ruta.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.