Warehouse sa Santa Ana, Maynila, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Feb 28 2019 05:47 AM | Updated as of Feb 28 2019 07:10 AM

MAYNILA (UPDATED) - Nasunog ang isang warehouse ng pagawaan ng taurpaulin at giveaways sa Carreon St., Santa Ana, Maynila Huwebes ng madaling-araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog alas-2:41 ng madaling-araw at umabot sa ikalawang alarma. Idineklarang under control ang sunog matapos ang 2 oras.

Nailigtas naman ng mga bombero ang isang kawani ng warehouse. Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. -- Ulat nina Ernie Manio at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.