Lalaki sugatan sa pananaksak ng mga menor de edad sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 05:18 AM

Sugatan ang isang construction worker matapos saksakin ng dalawang menor de edad sa Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Master Sgt. Bronson Saggot, nasaksihan ni alyas Kyla na habang nag-uusap silang dalawa ng biktimang si John Perer Presco, 21 anyos, sa may San Antonio de Padua, IBP Road nang dumating ang mga suspek na sina alyas Mic at alyas Peter. 

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang umanong sinunggaban ng dalawang binata si Presco at pinagbubugbog. 

Hindi nakuntento ang mga suspek at sinaksak ni alyas Mic si Presco sa likod. 

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek matapos ang pananaksak habang isinugod naman sa Quezon City General Hospital ang biktima.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang insidente. -Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.