Binatilyo sugatan matapos tagain ng lasing

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 04:01 AM

ZAMBOANGA CITY- Sugatan ang isang 16 anyos na binatilyo matapos tagain ng isang lasing na lalaki Biyernes ng gabi sa Talon-Talon Loop, Zamboanga City.

Ayon sa biktima, papunta na sana siya kasama ang kanyang pamilya sa lamay nang bigla siyang inatake ng suspek.

Binugbog ng kanyang mga kapatid ang suspek na dinala sa ospital.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang dalawang panig.-Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.