Abogado at 3 iba pa, timbog sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 04:54 AM | Updated as of Sep 29 2018 11:22 PM

Inaresto ang 4 na lalaki matapos umano silang mahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa Barangay Central, Quezon City.

Narekober mula sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, ang isa sa mga nahuli ay isang abogado na umano'y nagsisilbi pang defense counsel sa ilang kaso ng droga.

Ang isa rin ay dati ring empleyado ng gobyerno.

Depensa ng mga nahuli, nagsusugal lang sila nang biglang pasukin ng mga pulis ang bahay.

"Hindi po kami gumagamit. Bigla nalang nila kami pinasok eh," ayon sa isa sa kanila.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.