Factory worker patay sa pamamaril sa Pasig

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 11:04 PM

MAYNILA - Patay ang isang factory worker matapos tambangan ng 2 lalaki sa bahagi ng GSIS Road sa Catalina Subdivision sa Rosario, Pasig City nitong Miyerkoles.

Ayon kay Pasig City Police chief Moises Villaceran, nangyari ang pamamaril bandang alas-7 ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Benigno Aria, 34 anyos. Agad ring umalis sa lugar ang 2 salarin nang matiyak na patay na si Aria.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtago umano ang biktima dahil may mga banta raw ito sa buhay.

Dagdag ni Villaceran, kilala sa lugar ang lalaki sa alyas na "Kambal Pusher."

Inaalam na Pasig police kung may katotohanan ang inisyal nilang natanggap na impormasyon na sangkot sa pagtutulak ng droga ang biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.