2 'PUI' sa Negros Oriental, negatibo sa COVID-19

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 12:40 AM

Negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang natitirang patient under investigation (PUI) sa Negros Oriental.

Ang dalawang pasyente ay ang Belgian at Filipina na galing Wuhan, China at bumisita sa Bohol at Siquijor bago pumunta sa Dumaguete City.

Pero ayon sa spokesperson ng probinsya, mananatili sa ospital ang dalawa dahil inoobserbahan pa ang kanilang blood pressure.

Samantala, natapos na rin ang quarantine period ng apat na natitirang PUI sa probinsya.

Wala nang natitirang PUI at PUM sa kasalukuyan sa buong Negros Oriental.