20 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 12:56 PM | Updated as of Feb 18 2020 07:05 PM

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City, Pebrero 18, 2020. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Taguig City nitong umaga ng Martes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pasado alas-7:30 ng umaga nang sumiklab umano ang sunog sa may Lawton Avenue sa Barangay Fort Bonifacio, kung saan natupok ang 10 bahay at nag-iwan ng P150,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon sa Taguig City Fire Station.

Halos isang oras ang inabot bago tuluyang naapula ang apoy.

Nagmula ang sunog sa bahay ng isang George Peling at hinihinalang may kinalaman sa kuryente ang sanhi nito, ayon kay Fire Senior Insp. Demetrio Sablan Jr. ng Taguig City Fire Station.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.