Retiradong judge, 2 iba pa, patay sa sunog sa Cebu

Aiza Layague, ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2020 06:35 PM

MANDAUE CITY, Cebu - Patay ang isang retiradong judge, asawa at apo nito matapos makulong sa nasunog nilang bahay sa Barangay Centro, Mandaue City, Lunes ng madaling araw.

Ayon sa mga kaanak, nakalabas na sana sa kanilang bahay ang mag-asawa pero binalikan nila ang kanilang apo na naiwan sa ikatlong palapag ng bahay, hanggang sa hindi na rin nakalabas ang mga ito.

Nakita na ang bangkay ng mag-asawa.

Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Mandaue, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay ng isang Besmark Lumapas.

Nagtamo ng paso sa likod si Lumapas habang inililigtas ang 5 taong gulang na anak.

Electrical short circuit ang tinitingnang sanhi ng sunog.

Aabot sa 50 bahay ang natupok habang 9 na iba pa ang partially damaged.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.