Buntis patay sa pamamaril sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 01:17 PM

MAYNILA — Patay ang isang buntis habang sugatan naman ang kaniyang mister at ama matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang van sa Taguig City nitong madaling araw ng Linggo.

Kinilala ang nasawi bilang si Michelle Sarsalego, 28, at 6 na buwang buntis.

Sakay ng van ang mga biktima at papuntang Pasig City para bumili ng mga gulay nang pagbabarilin sila ng nasa 4 lalaki na sakay ng 2 motorsiklo sa may Barangay South Signal, ayon sa mister ng biktima.

Hinala ng pamilya ay may kinalaman sa negosyo ang pag-atake sa kanila lalo at noon ay nakatanggap sila ng banta sa kanilang mga buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. -- Ulat ni Jekki Pascual ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.