Babae natagpuang patay, hinihinalang ginahasa sa Misamis Oriental

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2020 05:17 PM

Natagpuang patay at hinihinalang ginahasa ang isang babae sa isang abandonadong bahay sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental nitong umaga ng Lunes, ayon sa mga awtoridad.

Walang saplot pang-ibaba ang babae nang madatnan ng mga awtoridad at nakatakip ang bibig niya gamit ang isang underwear.

Isang basurero umano ang unang nakakita ng bangkay nitong alas-4 ng madaling araw sa bahay kung saan niya tinatambak ang mga binebentang basura.

Nakitaan ang biktima ng sugat sa leeg, ayon kay Lt. Romeo Adlaon.

May nakita rin umanong basag na salamin malapit sa crime scene.

Dadaan sa autopsy ang bangkay para makumpirma kung ginahasa siya.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang huling kasama ng biktima.

-- Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.