Umano'y warehouse ng shabu sa Cavite, sinalakay; 2 patay

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 05:38 PM

MAYNILA - Dalawa ang patay nang salakayin ng awtoridad ang isang hinihinalang shabu warehouse sa bayan ng Tanza, Cavite Linggo ng hapon.

Ayon kay Senior Superintendent William Segun, provincial director ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite, nasa P1.9 bilyong halaga ng shabu ang natagpuan sa bahay na ginawang warehouse.

Photo from Cavite PNP

Naganap ang operasyon pasado alas-3 ng hapon.

Dagdag pa ni Chief Superintendent Edward Carranza, regional director ng Calabarzon Police, mga Chinese ang napatay na suspek.

Konektado umano ang mga ito sa natuklasang magnetic lifters na naglalaman ng ilegal na droga sa Cavite.

-- ulat mula kina Dennis Datu at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.