Bangkay sa kahon, natagpuan sa gilid ng Paco Park

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 09:08 AM | Updated as of Jan 29 2020 09:17 AM

MAYNILA - Nakasilid sa kahon ang bangkay ng isang lalaki nang matagpuan ng awtoridad sa Padre Faura Street sa gilid ng Paco Park sa Maynila, Miyerkoles ng umaga.

Isiniksik sa maliit na kahon ang bangkay ng lalaking hinihinalang biktima ng summary execution.

Watch more in iWant or TFC.tv

Unang rumesponde ang mga kawani ng Explosive Ordnance Division ng Manila Police District sa pag-aakalang bomba ang laman ng kahon.

Laking gulat nila nang tumambad ang bangkay ng lalaki nang buksan ang kahon.

Kasalukuyang pino-proseso na ng Scene of the Crime Operatives ang crime scene.

Isinara muna sa mga motorista ang naturang kalye habang patuloy ang imbestigasyon sa lugar . 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.