Kaso ng 2019-nCoV, 'fake news' - UST Hospital

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 10:26 PM

MANILA - Nilinaw ng University of Santo Tomas na walang kaso ng novel coronavirus sa UST Hospital.

Taliwas sa kumakalat na balita sa text at social media, walang pasyenteng na-admit sa UST hospital dahil sa 2019-nCoV, sinabi ng Office of the Medical Director ng UST sa pahayag. 

 

Tiniyak din ng ospital sa loob ng compound ng unibersidad sa Maynila na may nakalatag silang protocol sa pag-handle ng mga hinihinalang kaso ng novel coronavirus.

Hinimok din ng UST Hospital ang publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon at maniwala lamang sa opisyal na pahayag mula sa mga awtoridad at Department of Health.

--Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News