Taal eruption victims binigyan ng 'ligtas bags'

ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 05:51 PM | Updated as of Jan 27 2020 07:57 PM

Laman ng "ligtas bags" na hatid sa mga biktima ng pag-alborot ng Bulkang Taal ang mga pagkain, gamot, first aid kit at iba pang maaaring magamit sakaling muling magkaroon ng sakuna. ABS-CBN News

Excited ang pamilya nina Risalito at Angeline Austria nang malamang puwede na silang makabalik sa kanilang bahay sa Lemery, Batangas.

Magugunitang binawi ang lockdown sa ilang lugar sa lalawigan noong Linggo matapos ibaba sa 3 ang alert level sa Bulkang Taal.

Dalawang linggo ring namalagi sa evacuation center sa bayan ng Balayan ang mag-asawa kasama ang kanilang 3 anak.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nang makarating sa bahay, magkahalong lungkot at saya ang kanilang naramdaman.

"Pagkarating ko dito, ito na lang ang naabutan ko sa bahay. Sobrang dumi," ani Resalito.

Sa tulong naman ng mga volunteer, naghanda ang ABS-CBN ng mga "ligtas bag" para sa mga apektado ng Bulkang Taal, na bahagi ng "Tulong-Tulong sa Taal" campaign.

"In any calamity po, not only this Taal Volcano eruption, puwede nila kaagad ito bitbitin at nakasisiguro sila na mayroon silang subsistence for several days," ani Jun Dungo, head ng ABS-CBN Integrated Public Service.

Kabilang ang pamilya Austria sa mga nabigyan ng bag, na may lamang pagkain, gamot, first aid kit, flashlight, tubig, damit, mask, goggles, at iba pa. Maaari itong magamit sa 2 hanggang 3 araw.

"Malaking bagay ang naibigay nito sa amin," ani Resalito. -- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.