Huling biyahe pabalik Wuhan sa China, nakaalis na ng Kalibo

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jan 27 2020 11:23 PM | Updated as of Jan 27 2020 11:51 PM

KALIBO, Aklan - Nakaalis na sa Kalibo, Aklan ang huling 150 pasahero mula Wuhan, China nitong Lunes.

 

Sila ay dumating sa Kalibo International Airport bago pa ipatupad ang lockdown sa Wuhan.

Lulan ng eroplano ng Royal Air Charter, umalis ang huling batch ng mga pasahero pasado alas-10 ng gabi.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ito na ang pinakahuling biyaheng manggagaling sa Kalibo patungong Wuhan.

Tanging ang airline crew ang sakay ng naturang eroplano pabalik ng Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.