Love triangle? Tricycle driver kritikal matapos barilin ng trabahador sa Batac City

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2020 04:20 PM | Updated as of Jan 26 2020 09:59 PM

Binaril ang isang tricycle driver sa Batac City nitong umaga ng Linggo. Ria Galiste, ABS-CBN News

(UPDATE) Patay ang isang tricycle driver mula Batac City, Ilocos Norte matapos pagbabarilin nitong Linggo ng construction worker dahil umano sa love triangle.

Kinilala ang biktima na si Eduard Honor, na binaril ng suspek sa palengke sa may Barangay Billoca bandang alas-10 ng umaga.

Isinugod ito sa ospital ngunit namatay rin matapos ang ilang oras.

Agad naaresto ng mga pulis ang suspek at nakumpiska sa kaniya ang kalibre .45 na baril na ginamit sa pamamaril.

Love triangle ang sinisilip na motibo kaungay ng krimen, ayon kay Maj. Artemio Clemente, deputy chief ng Batac police.

Iginiit ng suspek na karelasyon ng biktima ang kaniyang asawa, ayon kay Clemente.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek, ani Clemente.

-- Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.