Motorcycle rider patay matapos masagasaan ng truck sa Mandaluyong

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 06:12 AM

Patay ang isang delivery rider ng isang courier service matapos masagasaan ng dump truck Sabado ng madaling araw sa Mandaluyong. 

Dead on the spot ang biktima sa kanto ng F. Martinez St. corner Sto. Rosario St. Barangay Plainview.

Ayon kay Andy Pabelonia, barangay tanog ng Barangay Plainview, halos magkasabay lang na binabaybay ng dump truck na minamaneho ni Jason Uson at ng biktima. Nawalan ng kontrol at sumemplang ang motorsiklo at pumailalim ang rider. 

Sumuko sa awtoridad ang driver ng truck at hawak na ngayon ng Mandaluyong police. 

May nakuhang pagkakakilanlan o ID mula sa biktima ngunit hindi muna ito ilalabas ng pulis dahil hindi pa napagbibigay alam sa kamag-anak ang nangyari sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.