Lalaking nakipagsuntukan sa sabong, patay sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 08:38 PM | Updated as of Jan 25 2020 08:39 PM

MAYNILA—Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Commonwealth sa Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Lista, 37, isang jeepney driver.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, hepe ng Batasan Police, posibleng may nakaalitan ang biktima sa isang sabungan.

Batay kasi sa kwento sa pulisya ng pamangkin ni Lista, nagsabong siya sa isang compound sa Ilocandia Street at may nakasuntukan.

Nang lumabas na siya sa sabungan kasama ang kaniyang pamangkin, sinundan umano si Lista ng nakasuntukan at saka siya pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang krimen. — Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.