Lalaki patay matapos hawakan ang live wire sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 06:07 PM

Kuha ng Manapla PNP


Patay ang isang lalaki matapos makuryente ng live wire sa bayan ng Manapla sa Negros Occidental Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rodney Dañoso, 28.

Sakay sa truck ng tubo si Dañoso nang utusan siya ng kaniyang kasamang driver na taasan ang linya ng kuryente dahil masasabit ito sa kanilang karga.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi alam ng biktima na live wire ang kaniyang hinawakang electrical line, kaya siya nakuryente.

Sinubukan pang dalhin sa ospital si Dañoso pero nasawi din siya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.