P595,000 halaga ng ‘shabu’ nasabat sa Iloilo; 2 timbog

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 03:36 AM | Updated as of Jan 23 2020 04:03 AM

ILOILO - Arestado ang isang mag-live-in partner sa isang construction site Huwebes ng madaling araw sa Barangay San Vicente, Leganes, Iloilo.

Sa ginawang search sa bahay ng mag-live-in nakuha ang 17 sachet, lighter at aluminum foil. 

Ayon sa raiding team, nagkakahalaga ang droga ng P595,000.

Target ng naturang buy-bust operation ang lalaking driver ng truck sa construction company. 

Ayon sa regional drug enforcement team ng Iloilo, ang nakuhang droga ay balak umanong ibenta ng mga suspek para sa darating na Dinagyang Festival. -Ulat ni Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.