4 Chinese nagtangkang mandukot ng babaeng teenager sa Makati

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 09:09 AM

Makikita ang mga suspek sa larawang ito mula sa mga awtoridad.

MANILA — Inaresto ang 4 na Chinese na nagtangka umanong dukutin ang isang 18-anyos na babae sa Makati. 

Kuwento ng biktimang si "Gella," hinawakan umano siya ng isa sa mga lalaking suspek sa braso at sinubukan siyang isakay sa loob ng isang taxi sa Einstein Street, Barangay San Isidro. 

Nagpumiglas umano siya, dahilan para mapansin ng mga barangay-tanod ang kumusyon at habulin ang mga suspek. 

Inabutan ng mga awtoridad ang 4 na Chinese, pero nakatakas ang 2 pa nilang kasamahan. 

Nasa edad 22 hanggang 28 ang mga dayuhang pawang nakatira sa karatig na Pasay City. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.