TINGNAN: Fire spinner, nagpangiti sa mga evacuee sa Batangas

April Rose Magpantay, ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 11:17 PM

NASUGBU, Batangas—Sa kasagsagan ng pag-aalboroto ng Taal Volcano, naghatid ng kasiyahan sa mga bakwit ang isang poi dancer, o fire spinner, sa isang evacuation center sa bayang ito Biyernes ng gabi.

 

Ayon sa uploader ng video na si Arjhay Yansua, nagbigay-aliw ang nasabing fire spinner sa kaniyang nakaka-wow na performance.

Lumikas sina Yansua mula sa sa bayan ng Lemery, matapos tamaan sila ng ashfall mula Taal. 

Mag-iisang linggo na sila sa Senior High School ng Pantalan kasama ang iba pang residente mula sa mga bayan ng San Nicolas at Agoncillo.

"Hindi nila kami pinabayaan. Sa kabila nang lahat, nagagawa pa nilang kami ay mapangiti at maibsan ang lungkot na nasa aming mga saloobin. Maraming, maraming salamat. Naiiyak ako sa kanilang kabutihan at kabaitan. Sadyang si Lord na po Ang bahala sa kanila," aniya. 

Mag-iisang linggo na simula ng unang pumutok ang Taal noong Linggo, na nagdulot ng paglikas ng mga residente ng mga bayan na nakapaligid sa bulkan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.