Shabu na may halagang P68 milyon, nasabat sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jan 18 2020 11:03 PM | Updated as of Jan 18 2020 11:33 PM

MAYNILA (UPDATE)—Aabot sa P68 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa Pasay nitong Sabado.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Col. Bernard Yang, 10 kilo ng kontrabando ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa buy-bust operation sa isang bus terminal sa Malibay.

Dalawang suspek din ang inaresto sa operasyon. Ayon sa pulisya, noong Disyembre pa nila tinitiktikan ang mga ito hanggang sa ikasa ang buy-bust.

Sa Calabarzon at Pasay nagtutulak ang mga suspek, ayon sa mga awtoridad.

Inaalam pa kung miyembro ng mas malaking sindikato ang mga nahuli.— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.