P1.7-M halaga ng shabu, nasamsam sa Davao City; 8 tiklo

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 08:39 AM

DAVAO CITY—Nasamsam ang P1.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang checkpoint sa lungsod na ito, hapon ng Sabado.

Nakuha ang 15 pakete ng shabu kay Abolkaer Cabagutan, na binayaran umano ng kapitbahay ng P10,000 para maihatid sa Davao mula Marawi ang bag pero hindi niya umano alam na ilegal na droga ang laman nito.

Duda ng mga awtoridad na isa ito sa mga supplier ng shabu sa lungsod.

“Definitely ’yung gan’un karaming shabu hindi single user ’yun. May bagsakan ’yun,” ayon kay Col. John Gabun, deputy commander ng Task Force Davao.

Arestado rin ang 7 iba pang pasahero ng sasakyan na hinarang sa checkpoint.

Ayon sa driver, nakisakay lang sa kanila si Cabagutan. Kumuha umano sila ng mga pasahero sa daan para may kahati sa gastusin sa biyahe.

Haharap ang 8 suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.