Lalaking wanted sa pagpatay ng kaalitan noong 2009 huli sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2020 02:28 PM

MAYNILA—Matapos magtago nang mahigit 10 taon, inaresto sa Makati ang isang lalaking wanted dahil sa kasong murder sa Oriental Mindoro. 

Kinilala ang suspek na si Roberto Calooy, na suspek sa pamamaril sa kaaway umano niya noong 2009, ayon kay Oriental Mindoro police chief Lt. Col. Gerry Laylo. 

Inaresto ang suspek sa bahay ng kapatid nito sa Makati. 

Nalaman ng pulisya ang kinaroroonan ng suspek batay sa tip ng mga kapitbahay.

Hindi kaagad nakilala si Calooy ng pulis dahil sa pinagbago ng itsura nito. 

Itinanggi naman ng suspek ang pagkasangkot niya sa krimen.

Agad na iuuwi sa lungsod ng Calapan si Calooy para harapin ang kasong murder na isinampa laban sa kaniya. — Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.